Monday, December 28, 2009

Zambo, mahigpit pa rin ang siguridad

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / December 28, 2009) – Nanatiling mahigpit ang siguridad ng Zamboanga City sa posibleng pambobomba ng mga terorista sa kasasagsagan ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Kaliwat-kanan ang mga sundalo sa sentro ng Zamboanga at kapuna-puna ang dami ng mga Bantay. Mistulang garrison ang downtown area, ngunit iginigiit pa rin ng mga opisyal na tahimik at payapa ang Zamboanga.

Hindi naman sinasabi ng militar at pulisya kung gaano kabigat ang banta sa siguridad dito, ngunit ilang ulit na rin binomba ng Abu Sayyaf at Moro rebels ang Zamboanga sa mga nakalipas na taon.

Ito’y sa kabila ng malaking puwersa ng militar at pulisya dito.Kalimitan ay galing ng Basilan ang mga nagpapasabog sa Zamboanga City na ilang milya lamang ang layo mula sa lalawigan. (Mindanao Examiner)

No comments: