Sunday, March 16, 2008

Hustisya Sa "Sulu Massacre" Wala Pa Rin

SULU (Mindanao / Mar. 16, 2008) – Nanawagann kahapon sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense ang mga ulama at ibat-ibang grupo sa lalawigan ng Sulu upang mabigyan ng hustisya ang pagpaslang sa 7 sibilyan at isang off-duty soldier na mga sundalo.

Nuong Pebrero 4 naganap ang pagpatay sa 8 katao at nangangamba ngayon ang amraming grupo sa Sulu, kabilang na ang mga kaanak ng biktima, na pinagtatakpan ng Western Mindanao Command at Philippine Navy ang mga sundalong sabit sa krimen.

Pawang mga miyembro ng Army’s Light Reaction Company at Navy’s Special Wwarfare Group ang diumano’y responsible sa pamamaslang. Napatay umano ang 8 ng lusubin ng mga sundalo ang Barangay Ipil sa bayan ng Maimbung at nakipagsagupaan sa Abu Sayyaf.

Dalawang sundalo rin ang nasawi at limang iba pa ang sugatan sa panig ng LRC at SWAG, ngunit sa imbestigasyong inilabas ni Regional Director Manuel Mamauag ng Commission on Human Rights sa Western Mindanao ay lumalabas na walang Abu Sayyaf sa nasabing Barangay at pinatay ang walong katao ng walang kalaban-laban.

Ayon naman sa mga saksi ay nagkaroon ng “mis-encounter” ang mga LRC at SWAG at sila-sila mismo ang nagbarilan. Napagkamalan umano ng dalawang grupo ng mga sundalo na Abu Sayyaf ang isat-isa.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang Western Mindanao Command sa nasabing labanan at inabswelto nito ang mga sundalo at iginiit na Abu Sayyaf ang kanilang napatay. Ngunit nag utos agad si AFP chief Gen. Hermogenes Esperon ng sariling imbestigasyon matapos na bansagan ni Sulu Gov. Sakur Tan na isang masaker ang naganap.

Nagpatawag rin ng imbestigasyon si DND Secy. Gilbreto Teorodo upang mabatid ang katotohanan. Kabilang sa mga napatay ay dalawang bata, dalawang teenager, isang Barangay konsehal, isang seaweed farmer at isang babaeng buntis. Ang pagpatay sa kanila ay binansagan ng mga taga-rito an "Sulu Masscare". (Mindanao Examiner)


No comments: